NEMO

I love you so much NEMO. 

-JSM

Advertisements

#bakitganon2

Bakit ganon, mas masakit pa yung i-take for granted yung feelings mo kesa paglaruan yung katawan mo?

Sino relate dito? Totoo naman kase, na mas elevated yung pain kapag feelings mo yung pinaglaruan. Kase for me, yan yung pinaka-vulnerable part ng sarili mo. Yeah, someone who left you after giving your body to someone hurts too pero iba yung pagdating sa feelings eh. Or is it because iba lang yung level ng intesity nila.

But I know for a fact na once you got hurt emotionally, everything else in your body is affected. Mawawalan ka ng gana gumalaw, to be productive and worst — to communicate with people. I hate this feeling, as much as possible gagawin ko na lang ang lahat just to avoid getting hurt emotionally.

 

-snr

#bakitganon1

Bakit ganon, ang dali lang sa tao na mag-bahagi ng parte nila sa hindi nila kilala? How can they share something so pure and fragile to strangers? Tapos makikipagpalagayan ka ng loob, tapos iiwan mo yung tao along all your secrets and stories. JUST LIKE THAT. Parang binigyan ka lang nila ng kapiraso ng paborito mong cookie tapos kinain nila yung natira. Nag-crave ka tuloy dun sa paborito mong cookie.

Bakit ang dali? Hindi ba nila alam na once you share a piece of your life to us mag-eexpect na kame na kami na yung crying shoulder nyo, kami na yung taong pinagkakatiwalaan nyo. It’s like giving something na mahirap ilet go pero binigay mo parin kase you trust us.

Am I making sense? Nakakainis lang kase.

 

-snr

September 11, 2015

Isa ako sa mga babaeng mahilig maghabol. Hahabulin yung mga lalakeng wala namang ginawa kungdi saktan lang ako. Mayroon kasing parte sa puso ko na baka marealize nila na worthy ako.

Bakit ba kasi paasa ang mga lalake? Lalandiin ka, papaasahin, bibigyan ka ng motibo pero kapag umamin ka na may gusto ka sa kanila, saka sila paunti-unting lalayo saiyo or worst – mawala na lang na parang bula.

Sa tatlong lalaki na hinabol ko, sya lang yung hindi ko sinuko. Paano ba naman kasi, mawawala sya tapos babalik ulit. Ang gulo nya rin eh, hindi ko sya maintindihan. Minsan iniisip ko na lang na baka kaya hindi nya ako maiwan-iwan kasi hindi nya ako kayang matiis, baka nagkikimkim lang sya ng nararamdaman para saakin.

Iniisip ko parin hanggang ngayon kung bakit nya ako iniwan. Masaya naman kami sa huli naming pagkikita. Siguro nga this is what you called a bitter sweet ending. Akala mo nagsisimula pa lang kayo pero huli na pala iyon, akala mo na ang saya-saya nyo na pero ikaw lang pala iyon, akala mo may ‘something’ na pero imahinsyaon mo lang pala lahat ng ito. Tapos na, wala na. Pero bakit ganoon? Ginawa ko naman lahat ng ginusto nya. Kung ano ang hiningi nya binigay ko, kung ano ang ayaw nya; hindi ko ginawa. Tapos nagawa nya parin akong iwan, iniwan ako ng walang pasabe; ng walang dahilan. He took advantage of me.

Pinanghawakan ko lahat ng pangakong binitawan nya, pinaghawakan ko lahat ng plano na gagawin naming dalawa. Pero nabigo na naman ako, nasaktan na naman ako. Hanggang dito na nga lang ba talaga ako? Ang masaktan; ang maiwan; ang umasa; at ang lumuha.

Pilitin ko mang alisin at itapon ang nararamdaman ko para sa kanya hindi ko magawa. Nagbabakasakali kasi akong baka bumalik na naman sya. Kumbaga, may nakareserve parin na lugar sa puso ko kapag dumating syang muli.

Isang buwan na ang nakalipas pero tandang-tanda ko pa rin ang lahat. Tandang-tanda ko pa ang mga yakap mong pakiramdam kong puno ng pagmamahal. Hanggang ngayon, ikaw parin ang laman ng ang aking puso at isipan. Siguro nga hanggang dito na lang talaga ako. mamahalin ka sa malayo, kung saan hindi ko tanaw ang likod mo.

-snr

PANANDALIAN

“You will love him to ruins.” -Michelle Hodkin, The Evolution of Mara Dyer

Sa pangalawang pagkakataon ako’y muling iibig. Umaasang makamit muli ang sayang kanyang pinagkait. Pero parang may pumipigil, bakit parang hindi parin handa ang pusong may sugat pa?

Hahanapin ko sana sa iyo ang nawawalang piraso ng aking puso na gusto na sanang maghilom at makumpleto. Ngunit sadyang masama ang tadhana, ipinakilala ka na alam kong pareho tayong masisira.

Binigyan ka ng maraming pagkakataon sa loob ng pag-iisip ko. At alam mo, patagal ng patagal unit-unting naglalaho ang kuryenteng unang naramdaman sa piling mo.

Sa kabila ng pag-uunawa ko sayo, nakalimutan ko na namang mahalin yung sarili ko. Hindi na inisip ang kaligayahan maging masaya ka lang. Pinabayan ang iyong pambabalewala wag lang mag-away.

Uy, ibigay mo na muna sakin to hah? Hayaan mo munang mag-isip ang magulong utak ko. Ayoko na rin muna kasing humawak ng mga pangako at salita ng kahit sino.

Kaya patawarin mo ako kung bibitaw muna ang mga kamay na una at huling beses mong nahawakan at itatakwil ko muna ang nakakakilig na palitan ng mensahe sa isa’t-isa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan, hindi ko alam kung babalik pa. Pero nagpapasalamat din dahil sa binahaging panandaliang saya. Malay mo saglit lang, hanggang sa makita mo kung ano ba ang aking tunay na halaga

help?

Have you tasted the bitterness of life?

Death sucking out every bit of you?

Well… I have and guess what? I became numb from all this shit.

I was careless with my decisions. Joining to celebrate the ruins of me with my demons.

It was pretty amazing. Building walls and setting aside family and friends.

At last, for once I can be me. This reckless, stupid girl who just want to have fun then regret it when the night comes.

Then it hit me, I was and still am destroying myself.

Stupid scars and dried tears on my pillow. Bruised knuckles and empty eyes.

This was not what I wanted for myself. I just wanted to be understand, get help and to have someone who will listen to all of my crying screams.

But how can I do that, if the walls I used to build was too high and no one volunteers to demolish it?

I thought for a moment, I was fearless. A young, dumb and broke girl who can handle herself.

But boy I was wrong, this girl still needs help.

And now, I am reaching out to you. Tho many people have shared their battles and stories, I still need those reassuring words. That my demons, can’t hurt me anymore — that I will finally reach the peaceful part of my mind.

Hey there, you. Can you please aid me? Because I’ve been bleeding since I let my demons wreck me.

 

-sr

My Legit AF TOTGA

Sa huling pagkakataon gusto kong humingi ng patawad sa iyo. Mga lihim na hindi ko sinabi, pinabayaan sapagkat alam kong ikaw  ay masasaktan. Patawad dahil hanggang ngayon, hindi ko parin maamin-amin na ako’y nangloko.

Susulatan ka ng tula dahil gusto ng makalimot, iwanan ang iyong mga kamay at pakawalan ang sakit na iyong dinulot. Hindi ko makalimutan ang iyong mga mata. Mga matang palaging nakatingin kapag ako’y nalilinga.

Ang iyong labing kay sarap pag-masdan, naglalabas ng mga mabulaklak na salita. Teka, baka kasi hindi naman totoo, baka nasabi lang kasi kinukuha mo ang aking loob. At oo, nakuha mo nga, nabigong bantayan ang puso, nahulog sa bitag mo at naniniwala sayo.

Sa mga araw na tayo’y magkasama, iniisip ang hinaharap nating dalawa. Ako pa rin ba? Tayo pa rin ba? At biglang pumasok sa aking mapilit na utak, oo nga pala tayo ay magkaiba. Hindi mananalo ang pag-ibig kahit ano pang gawing pilit.

At sa kabila ng lahat, hindi ako nagsisi. Mali man sa paningin ng iba, ipinaglaban parin kita. Natagalan man suklian ang iyong pag-ibig, ngunit nabawi rin naman sa bigat at sakit ng aking dibdib.

Sa huling pagkikita natin, sa mismong araw nato, babalik ako hindi dahil gusto ko pa, babalik lang dahil babawiin ang pusong malapit ng maremata. Pasensyan na hah? Kung hinayaan kong mabulok yung puso ko sayo. Edi sana, hindi tayo humantong sa ganito. Salamat na rin, sa dalawang taong pag-ibig. Sabi ko nga sayo, you’re the one that got away parin.

-snr