McDo

I

Alas kwatro pa lang ng umaga

Dugo ko ay buhay na buhay na.

Nasasabik na ikaw ay makita.

Nag-agahan ng tama lang,

Naligo ng sapat lang

At nag-ayos ng naaayon sa iyong mga mata lamang.

Doon sa McDo,

Ako ay iyong hinihintay.

Kape mo ay malamig na.

Sa hashbrown mo rin ay naka-isang kagat ka lang.

Kinakabahan, ako at ikaw.

II

Heto na.

Pagbaba ko ng tricycle,

Ikaw agad ang unang nasilayan.

Naka-puti ako, naka-itim ka.

Ni huy, ni hi ay wala, 

Sa iyong harapan ako ay umupo agad.

Nilasap bawat sandali

Na mga mata mong pakisap-kisap,

Mga ngiti kong nangingislap

At mga crew na naglilinis sa mesa.

III

Sa bawat tawa, isa’t isa ay kinikilala.

Nagkakahiyaan kaya naman mga tingin ay nagnanakawan.

Ngunit dumating na ang oras.

Sa sakayan ako ay iyong hinatid,

Sinamahan maghintay ng masasakyan.

Tawa pa dito, tawa pa doon.

IV

Heto na.

Paalam.

Ako ay aalis na at ikaw ay babalik na

Sa kung saan kahit anino ko ay di mo makikita.

Paalam na.

Nakakalungkot man pero ako ay masaya na ikaw ay nakilala.

Paalam na sa ating una at huling pagkikita.

V

Siya nga pala.

Mag-iingat ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s