Pong

i

Sa mga taong lumipas,

Ilang beses ka bang di nasagi sa utak ko?

Wala.

Lagi kitang naiisip.

Bakit?

Dahil sobra akong nanghihinayang na ikaw ay pinakawalan pa.

Alam mo ba na noong meron pang tayo, walang araw na hindi ako masaya?

Na araw-araw kitang nagugustuhan?

Hanggang sa maging araw-araw na kitang minamahal.

ii

Sa mga panahong ikaw ay nakasama,

Kahit parang wala nang bukas kung ako ay tumawa,

Kahit sa sobrang panggigigil ko ikaw ay nasasaktan na,

Kurot dito, kagat doon.

Mga asar kong ayaw na ayaw mo, “Buang ka!” at “Feeler ka!”

Ang sagot mo pari’y, “Mahal kita! Mahal kita!”.

iii

Sa mga taong lumipas,

Ilang lalaki man ang dumaan, sumasagi pa rin sa isip ko

Ikaw at ang sarap ng pagmamahal na ipinadama mo.

Wala ni isa sa kanila ang nakapagpangiti, nakapagpakilig,

At nakapagpadama kung gaano kasarap ang magmahal.

Kahit mali, sa kanila ikaw ay aking hinahanap.

iv

Sa hindi inaasahang panahon, nagkakilala tayo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang muntik nang maging tayo tinapon at sinayang ko.

Kaya naman mula Legarda hanggang Recto,

Hinihiling ko na ikaw ay makabangga.

Hanggang ngayon ako pa rin ay umaasa

Na sana maibabalik pa ang pagkakataong nasayang na.

v

Mukhang hanggang dito nalang ang paglalakbay ko.

Sa kwento nating nagtapos na wala namang simula.

Sa tulang ito tuluyan kang papakawalan na.

Mula sa isip, diwa, at puso ko, paalam.

XOXO

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s