DRAMA

Paano ko nga ba isasaad ang nararamdaman ko para sayo? Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, naguguluhan ako kung mahal o gusto ba kita. Iniisip ko, ano nga bang dahilan kung bakit sa haba ng panahon hindi ka parin mawala sa buhay ko. Sinubukan kong pigilan ang lahat, sinubukan kong iwasan ka. Iniwan ang mga nararamdaman para sayo. Pero sadyang gago ang puso ko, hinahanap-hanap ka baka sakaling may konting puwang pa. Alam ko naman na nagtatanga-tangahan ako sayo. Sabi nga nila, one-sided love. Pero pag-ibig nga ba? Pag-ibig ba talaga ang dahilan kung bakit ako ganito, pinipilit ang sarili sa taong wala namang pake. Ang hirap seryoso, sobrang hirap. Yung tipong ginawa mo naman lahat, pero iba parin yung pakikitungo nya sayo. Kaya minsan, susuko ka na lang. Yung katawan mo, isip mo, puso mo bibigat sa sakit at lungkot dahil kahit kailan, hindi ka nya mamahalin. Saan kaya ako lulugar? Option lang naman ako diba. Hindi mo naman kasi magugustuahan ang isang tulad ko. Wala naman magagawa, kaya eto nasa sulok lang ng puso ko ang pangalan mo. Baka sakaling kapag bumalik ka ulit, madali kong mahahanap yung nararamdaman ko para sayo.

-sr

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s