GOODBYES SUCK SO BAD

Kamusta ka na? Alam mo bang gustong-gusto na kitang makita. Makita muli ang mga matatamis mong ngiti, ang boses mong nagpapakilig sakin. 

Nanumbalik ang lahat. Ang una nating pagkikita, ang buwan na nagpapaliwanag ng ating dinadaanan. Sa totoo lang, sabik akong muling mahagkan ka. Kahit alam kong muli mo lamang akong sasaktan. Okay lang, at least kahit sandali naramdaman ko na may ‘ako’ sa buhay mo.

Naghintay ako, hinintay kita. Binigyan ng pag-asa ang pusong sawi. Pero bakit ganon? Ano bang ginawa ko upang maramdaman to. Nagmahal lang naman ako. Minahal ko lang naman yung taong kahit anong gawin ko, hindi mapapasakin. 

Sakit noh? Nung nalaman kong wala na talaga akong pag-asa. Yung nanliit ka, nanlamig, nablanko. Mahirap pala talagang magmahal ng taong gago. 

Sabagay, ginusto ko naman to. Ako naman yung nagpabalik sayo. Wag kang mag-alala, hindi kita sinisisi sa mga nangyare sakin. Kasalanan ko to, oo. Last na yun pangako, hindi na kita guguluhin, wala ka ng maririnig sakin na reklamo.

Kusa na lang akong lalayo sayo. Ayoko na talaga, pagod na ako. Hindi mo man ako minahal, masaya ako dahil nakikilala kita. Paalam sayo aso, sa muling pagkikita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s