PANANDALIAN

“You will love him to ruins.” -Michelle Hodkin, The Evolution of Mara Dyer

Sa pangalawang pagkakataon ako’y muling iibig. Umaasang makamit muli ang sayang kanyang pinagkait. Pero parang may pumipigil, bakit parang hindi parin handa ang pusong may sugat pa?

Hahanapin ko sana sa iyo ang nawawalang piraso ng aking puso na gusto na sanang maghilom at makumpleto. Ngunit sadyang masama ang tadhana, ipinakilala ka na alam kong pareho tayong masisira.

Binigyan ka ng maraming pagkakataon sa loob ng pag-iisip ko. At alam mo, patagal ng patagal unit-unting naglalaho ang kuryenteng unang naramdaman sa piling mo.

Sa kabila ng pag-uunawa ko sayo, nakalimutan ko na namang mahalin yung sarili ko. Hindi na inisip ang kaligayahan maging masaya ka lang. Pinabayan ang iyong pambabalewala wag lang mag-away.

Uy, ibigay mo na muna sakin to hah? Hayaan mo munang mag-isip ang magulong utak ko. Ayoko na rin muna kasing humawak ng mga pangako at salita ng kahit sino.

Kaya patawarin mo ako kung bibitaw muna ang mga kamay na una at huling beses mong nahawakan at itatakwil ko muna ang nakakakilig na palitan ng mensahe sa isa’t-isa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan, hindi ko alam kung babalik pa. Pero nagpapasalamat din dahil sa binahaging panandaliang saya. Malay mo saglit lang, hanggang sa makita mo kung ano ba ang aking tunay na halaga

Advertisements

help?

Have you tasted the bitterness of life?

Death sucking out every bit of you?

Well… I have and guess what? I became numb from all this shit.

I was careless with my decisions. Joining to celebrate the ruins of me with my demons.

It was pretty amazing. Building walls and setting aside family and friends.

At last, for once I can be me. This reckless, stupid girl who just want to have fun then regret it when the night comes.

Then it hit me, I was and still am destroying myself.

Stupid scars and dried tears on my pillow. Bruised knuckles and empty eyes.

This was not what I wanted for myself. I just wanted to be understand, get help and to have someone who will listen to all of my crying screams.

But how can I do that, if the walls I used to build was too high and no one volunteers to demolish it?

I thought for a moment, I was fearless. A young, dumb and broke girl who can handle herself.

But boy I was wrong, this girl still needs help.

And now, I am reaching out to you. Tho many people have shared their battles and stories, I still need those reassuring words. That my demons, can’t hurt me anymore — that I will finally reach the peaceful part of my mind.

Hey there, you. Can you please aid me? Because I’ve been bleeding since I let my demons wreck me.

 

-sr

My Legit AF TOTGA

Sa huling pagkakataon gusto kong humingi ng patawad sa iyo. Mga lihim na hindi ko sinabi, pinabayaan sapagkat alam kong ikaw  ay masasaktan. Patawad dahil hanggang ngayon, hindi ko parin maamin-amin na ako’y nangloko.

Susulatan ka ng tula dahil gusto ng makalimot, iwanan ang iyong mga kamay at pakawalan ang sakit na iyong dinulot. Hindi ko makalimutan ang iyong mga mata. Mga matang palaging nakatingin kapag ako’y nalilinga.

Ang iyong labing kay sarap pag-masdan, naglalabas ng mga mabulaklak na salita. Teka, baka kasi hindi naman totoo, baka nasabi lang kasi kinukuha mo ang aking loob. At oo, nakuha mo nga, nabigong bantayan ang puso, nahulog sa bitag mo at naniniwala sayo.

Sa mga araw na tayo’y magkasama, iniisip ang hinaharap nating dalawa. Ako pa rin ba? Tayo pa rin ba? At biglang pumasok sa aking mapilit na utak, oo nga pala tayo ay magkaiba. Hindi mananalo ang pag-ibig kahit ano pang gawing pilit.

At sa kabila ng lahat, hindi ako nagsisi. Mali man sa paningin ng iba, ipinaglaban parin kita. Natagalan man suklian ang iyong pag-ibig, ngunit nabawi rin naman sa bigat at sakit ng aking dibdib.

Sa huling pagkikita natin, sa mismong araw nato, babalik ako hindi dahil gusto ko pa, babalik lang dahil babawiin ang pusong malapit ng maremata. Pasensyan na hah? Kung hinayaan kong mabulok yung puso ko sayo. Edi sana, hindi tayo humantong sa ganito. Salamat na rin, sa dalawang taong pag-ibig. Sabi ko nga sayo, you’re the one that got away parin.

-snr

100 Salita Para kay Conan

Walang Fidel sa ating dalawa

Dahil parehas tayong Stella

Walang pag-aalinlangang minahal ka

Nung mas lalo kang nakilala

Marso 17 umamin ka para sakin

Isang linggo ang lumipas,

Ako’y mahal mo na rin

Piniling ituloy ang pag-ibig

Matapos ang maraming pag-uusap

Di alintana ang mga problemang darating

Lahat kakayanin basta ikaw ay kapiling

Di man sa lahat ng oras tayo’y masaya

Sa yakap mo, kuntento na

Sa halik mo, kumpleto na

Sa tuwing mag-kaaway

Puta ka, sorry na

Pero pag-iibig ko sayo ay lalong lumalala

Sa hirap at ginhawa

Ikaw lang ang pipiliin

Ikaw lang ang mamahalin

Conan mahal kita

-M xo

Don’t be proud

I know you are sad and mad

So am I

Let’s share the same bitterness

And make ourselves a mess

I’ve been waiting for you

The words you utter are true

Society is disgusting, feeding us with all the lies

When all we hear is cries.

Crying for help; shedding of tears.

Those pretending eyes and scattered fears.

No ones gonna hear you darling,

It’s no use screaming.

I guess everyone is better off without me.

At least no one’s going to see the scars I’ve been hiding

 

-SR

 

Sa Sandaling Nakasama Kita

Sa sandaling nakasama kita, sana niyaya na lang kita gumala. Mag-punta sa mga lugar na hindi ko pa nakikita. Manuod ng sine gaya ng iba. 

Sa maikling panahon na tayo’y magkapiling, sanay hindi na lang nag-siping.

Bagkus tayo ay gumawa ng masasayang ala-ala. Ala-alang maibabaon natin hanggang sa tayo ay tumanda.

Nagsisisi ako, dahil sa dinaming oras na nasayang. Dapat ay pinakilala muna ang tunay na sarili at ibinahagi ang aking mga hilig. 

Gustuhin ko man bumalik sa umpisa, ngunit tayo ay sira na. Hindi na gaya ng dati na masaya pa. 

Kailan kaya ako makakalimot? Sa sakit at poot na iyong dinulot. Kailan kaya ako magiging malaya, sa mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Sapagkat ako’y pagod na, sa kakaisip sayo. At sa patuloy kong pag-isip sa mga sandaling nakasama kita.

Naguguluhan

Maybe nagtataka kayo if how could I be so heartbroken yet inlove at the same time?

May boyfriend ako, pero I’m still head over heels with this guy. Hindi ko alam yung reason kung bakit inabot ng taon yung “nararamdaman” ko para dun sa sinaktan ako. Maybe I was just longing for his companionship, his chillness and hugs. Hanggang ngayon, I’m still confused whether if I liked the guy or it was just an infatuation. But come to think of it, halos mag ilang taon ko na syang kilala. And i think this is not just an infatuation. Baka ayoko lang siguro isaksak sa sistema ko na there was a time that I fell in love with him, hindi ko lang maamin. I’m perfectly happy and contented with my boyfriend right now. Ideal sya eh, kaso there’s this thing na isang dahilan kung bakit hindi kami pwede para sa isa’t-isa. He is my everything, sya yung iniiyakan ko everytime, sya yung reason kung bakit masaya ako. Pero bakit ganon? Hindi ko parin kayang mawala yung other guy? Was it because of the memories we shared, or I just need closure, or I’m just blindly inlove with him?

Hirap guys sobra. May time naman na nakakalimutan ko si other guy, minsan I don’t even care if hindi nya ako ichat, and I wasn’t complaining that much anymore dahil busy sya (busy sa ibang babae psh) and hindi ako nagalit nung may nalaman ako.

We have this weird relationship. Sobrang weird kahit ako nandidiri na and sometimes gusto ko ng tigilan. Pero kasi eh, yun na lang yung bagay na nagiging way para magkaroon ako ng communication sa kanya. Desperada ba? Hindi naman siguro, sa totoo lang kahit friendship okay na. Pero who am I to demand?

Alam nyo guys, gusto ko na rin syang mawala sa sistema ko. He’s not healthy sabi nga nung best friend ko. Kasi everytime na lang na sya yung topic, I would go nuts. Ewan, ang frustrating lang masyado.

And I think, if I ask for friendship hindi nya rin mabibigay. Hindi naman kasi ako ideal na friend for him and I know, that he knows, that I still kinda have something going with him.

Di bale, time will come mawawala din sya. And I hope this time, it will be the end. Sana makahanap na sya ng stable na relationship with someone na mahal nya, yung tipong iiwasan na nya ako and he will block me on any platform ng social media. Right now, ayoko kasi yung ako ang gumagawa ng paraan para mawala sya. Sabi ko nga, go with the flow na lang ako. Bahala na diba? Baka in that way, magsawa sya at maisip nya na wala ng kwenta yung mga pinaguusapan namin.

Tapos magmomoveon na ko, tamang-tama baka matuloy yung Baguio trip this second week of feb.